30 BARKO NG CHINA, NAMATAAN SA PANATAG SHOAL; CIVILIAN MISSION NG PINOY, TULOY PA RIN


Tuloy na tuloy pa rin ang pagsasagawa ng civilian mission sa West Philippine Sea sa kabila ng banta ng dumaraming bilang ng mga barko ng China na patungo sa Scarborough Shoal.

Sa isang pahayag, nanindigan si Rafaela David, co-convenor ng Atin Ito coalition na susulong pa rin ang kanilang grupo at hindi magpapatibag sa pananakot ng China.

"We will sail with determination, not provocation, to civilianize the region and safeguard our territorial integrity," ani David.

Nagsimula na ngayong araw ang paglalayag ng “civilian mission” at magtatagal hanggang Mayo 17 dala ang hangaring protektahan ang pagmamay-ari ng Pilipinas.

Kaugnay nito, sa post ni Ray Powell sa X (dating Twitter), sinabi nitong ito ang “largest blockade” sa Scarborough Shoal kung saan humigit-kumulang 4 coast guard at 26 large maritime militia ships ang haharang (hindi kasama ang ‘dark vessels’).

Samantala, tiniyak naman ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson para sa West Philippine Sea na si Commodore Jay Tarriela ang kaligtasan ng mga sasama sa civilian mission na ang hangad ay magkaloob ng tulong sa mga mangingisdang Pinoy sa lugar.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog