Napatunayang guilty ng korte sa Taguig ang negosyanteng si Cedric Lee, Deniece Cornejo, at dalawa pang mga kasama sa serious illegal detention for ransom sa kasong sinampa sa kanila ng aktor na si Vhong Navarro.
Ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB, pinatawan ng Taguig
Regional Trial Court (RTC) Branch 153 sina Lee, Deniece Cornerjo, Ferdinand
Guerrero, at Simeon Raz ng reclusion perpetua matapos hatulang guilty.
Kaugnay nito, agad na kinansela ng korte ang piyansa ng akusado.
Kaagad namang nag-isyu ng warrant of arrest ang korte
kina Lee at Guerrero habang sina Raz at Cornejo na personal na dumalo sa
promulgation ay hawak na ng korte.
Nag-utos pa ang RTC na bayaran ng mga akusado si Navaroo
ng P100,00 sa civil indemnity, P100,00 sa moral damages, at P100,000 sa
exemplary damages.
Bagama’t hindi dumalo si Navarro sa naturang pagdinig,
sinabi naman ng legal counsel nitong si Atty. Alma Mallonga na tinatanggap nito
ang desisyon ng korte.
Magugunita noong 2014, inakusahang hinold-up ni Lee at ng
grupo nito si Navarro tsaka pinagbubugbog.
0 Comments