2 TRABAHADOR, NAILIBING NG BUHAY SA GINAGAWANG DEEP WELL SA QUEZON

 


Nailibing ng buhay ang dalawang trabahador sa kanilang hinuhukay na balon sa Barangay Biyan sa Calauag, Quezon nitong Mayo 1.

Sa ulat ng Calauag PNP, nasa 13 talampakan na ang nahuhukay ng apat na trabahador nang bigla na lang bumigay ang gilid ng lupa dahilan na natabunan ang mga biktima.

Mabilis namang na-rescue ang dalawa sa mga trabahador na nasa itaas ng hukay habang natabunan ang dalawa pa nilang kasama.

Patuloy pa ang ginagawang rescue/retrieval operation dahil sa hindi pa narekober ang dalawang natabunan.

Dahil dito, sinabi ng Calauag MDRRMO na gagamit na sila ng backhoe para makuha ang dalawang biktimang natabunan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog