ANAK, SINAKSAK-PATAY NG SARILING AMA


 

Hindi nakapagpigil ang ama at sinaksak-patay nito ang sariling anak sa Navotas City nitong Lunes.

Sa isang ulat, nag-aaway ang live-in partner ng biktima at ang pinsan nito sa labas ng kanilang tinitirahang bahay sa Brgy. Tanza Dos na siya namang inawat ng ama ng biktima tsaka pinagsabihan.

Ngunit sa halip na tumulong sa pag-awat ay sinumbatan pa ng biktima ang ama nito at sinabihang “wag na lang pakialaman ang away”.

Nang marinig ang pagsagot ng pabalang ng anak ay dito na kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak ang anak sa dibdib.

Idineklara namang dead-on-arrival ang biktima dahil sa natamong saksak sa puso.

Umamin naman sa krimen ang suspek at sinabing nagawa lang niya iyon dahil sa tinuran ng anak.

“Sinagot ako ng ‘Ano’ng pakialam mo? Papansin ka pa. Banatan kita e’. Parang nagpanting ang pandinig ko. Kinuha ko yung panghiwa ng sibuyas. Hindi na po [ako nakapagpigil] kasi nabigla din ako sa salita n’ya e,” ayon sa suspek.

Dahil dito ay nakatakdang mahaharap sa kasong parricide ang naturang suspek.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog