ATIN ITO, INIHAHANDA NA ANG MGA ILALAGAY NA BOYA SA BAJO DE MASINLOC

Photo Courtesy: Akbayan/Atin Ito
 

Puspusan na ang paghahanda ng Subic fisherman para sa ikalawang “Atin Ito West Philippine Sea (WPS) civilian mission.


Photo Courtesy: Akbayan/Atin Ito


Sa ibinahaging larawan ng Akbayan, makikita ang ilang mga maliliit na containers laman ang mga fuel bilang bahagi sa mga suplay na ibibigay sa mga mangingisdang Pilipino na nagtatrabaho sa Bajo de Masinloc.

Nakatakdang tutungo ang civilian convoy dala-dala ang mensaheng “WPS, Atin Ito” na nakasulat sa mga boya sa ika-14 ng Mayo para sa apat na araw na misyon.


Photo Courtesy: Akbayan/Atin Ito


Matatandaang nabigo ang unang civilian mission na maabot ang Ayungin Shoal dahil sa sila’y sinusundan ng mga barko ng China.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog