Photo Courtesy: Frederick Cabayan |
Nagkalat sa kalsada ng Isabela ang mahigit tatlong toneladang mangga dahil sa ito’y oversupply.
Sa isang ulat, sinabi ni Frederick Cabayan na nasa P5-P7
kada kilo ang halaga ng mga ibinibentang hinog na mangga ng mga middleman at
wholesalers.
Aniya pa, sa halip kasi na gumastos pa ng malaki ay
napagdesisyunan nalang na itapon sa tabing kalsada ang mahigit tatlong
toneladang mangga na hindi naibenta.
Namigay din si Cabayan ng libreng mga mangga sa mga
residente kaysa hayaan itong mabulok.
0 Comments