VICE GANDA, HINDI NAGPAHULI SA “PILIIN MO ANG PILIPINAS” TIKTOK TREND



Kumasa na din sa “Piliin Mo Ang Pilipinas” TikTok trend ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda.
Marami namang netizens ang bumilib at napahanga sa naging content ng komedyante dahil hindi lang ito basta-basta make-up transformation kundi tampok din dito ang mga napapanahong isyu ng Pilipinas.
Ilan sa mga ito ang araw-araw na kalbaryo ng mga commuter sa traffic, ang jeepney modernization program, at ang mainit na isyu ng West Philippine Sea.
"Kahit mahirap kang ipaglaban, pinipili pa rin kita Pilipinas," pahayag ni Vice sa huling bahagi ng kaniyang video kasabay ng pagbandera sa watawat ng Pilipinas.
Dahil dito, maraming opisyal sa gobyerno ang pinuri ang obra ni Vice Ganda at isa na rito si Commodore Jay Tarriela, Philippine Coast Guard spokesperson para sa West Philippine Sea na nagpasalamat sa patuloy na pagpili sa Pilipinas.
"Kahit mahirap siyang ipaglaban, sama sama tayong piliin ang Pilipinas! Ang West Philippine Sea ay parte ng Pilipinas, piliin nating tindigan ito para sa susunod na lahi ng kabataang Pilipino!" ani Tarriela.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog