4 PATAY, 16 SUGATAN SA PAGGUHO NG ISANG GUSALI SA SPAIN


 

Bumagsak ang dalawang palapag na gusali ng isang restaurant sa beach ng Palma de Mallorca nitong Huwebes, Mayo 23.

Ayon sa pulisya, humigit-kumulang apat na katao ang patay habang 16 naman ang sugatan sa insidente.

Dagdag pa rito, nabanggit sa X (dating Twitter) na pitong indibidwal ang nasa “very seriously injured” at siyam naman ang “seriously injured.

Mabilis din silang isinugod sa iba’t ibang mga ospital sa Palama.

Sa kabila nito, patuloy pa ang isinasagawang search and rescue operation ng mga awtoridad sa lugar para masiguro na wala nang tao ang sakaling na-trapped sa gumuhong gusali.

Samantala, tuloy pa rin ang imbestigasyon sa lugar upang matukoy ang sanhi ng pagguho sa naturang lugar.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog