Lumabas na ang resulta sa isinagawang Philippine Nurses Licensure Examination ng Professional Regulation Commission (PRC) ngayong araw, Mayo 14.
Ayon sa PRC, mula sa
kabuuang 11,116 na bilang ng mga examinees ay 7,749 dito ang naitalang pasado.
Nangunguna rito si Abigail Escueta Cayanan ng St. Jude College-Dasmariñas, Cavite, Inc. na nakakuha ng 92.60% na rating.
Sinundan naman ito ni Jim
Jerico Cedric Garo Uy ng Saint Paul University-Tuguegarao sa puntos na 91.80
percent, at Mary Vhinne Anne Verzo Colandog ng Southern Luzon State
University-Lucban na may average na 91.60.
Matatandaang ginanap ang board
exam para sa mga nurses nitong Mayo 6-7 sa mga itinalagang testing centers sa
bansa.
0 Comments