Ipapabura na ng pamunuan ng Philippine
National Police (PNP) ang mga visible na tattoo ng mga pulis, ayon kay PNP
spokesperson Col. Jean Fajardo.
Ito rin ay nakabatay sa draft memorandum circular (MC)
ukol sa “bearing and sporting of tattoo” ng mga miyembro ng PNP.
Ayon kay Fajardo, hindi na papayagan pang magdagdag
ng tattoo ang mga pulis na mayroon na nito lalo na sa mga bahagi ng katawan na
makikita habang nakasuot ng uniporme oras na maaprubahan ang naturang memo.
Mayroon aniyang rules and regulation ang PNP at mahigpit
na ipinapatupad ang disiplina sa hanay nito.
Habang, nagpaalala din ito sa mga nagbabalak pumasok sa
PNP na hindi papayagan ang mga may tattoo.
Nakatakda namang bibigyan ng 3 buwan ang mga pulis na may
tattoo para burahin ang mga visible na tattoo kung sakaling maaprubahan.
Magiging requirement din sa mga PNP member na may tattoo
na magsumite ng affidavit na nagdedeklara ng kanilang tattoo at mangangakong
hindi na nila pwedeng dagdagan pa.
Isasailalim naman sa imbestigasyon ang mga hindi susunod
dito.
Matatandaan noong Marso 2024 ay aprubado na ang nasabing
polisiya at mayroon pang 15 araw para sa publication bago ipatupad ng PNP.
0 Comments