SAME-SEX MARRIAGE SA TAGUM CITY, INALMAHAN NG MGA NETIZEN

 


Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens online ang kauna-unahang same-sex marriage sa Tagum City, Davao del Norte.

Kamakailan, ibinahagi ni Rev. Cresencio Agbayani, MDiv. ang ilang mga larawan ng dalawang babae na nagpapalitan ng kanilang vows sa ilalim ng sakramento ng kasal na kaniya ding pinangunahan.

Kaugnay nito, inaprubahan at may basbas din mula sa LGBTS Christian Church Philippines ang naturang makasaysayang kasal.

Bagama’t may ilang netizens ang nagpaabot ng tuwa at pagsuporta sa magkasintahan, may ilan ding nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at pagkondena dahil sa ito’y taliwas sa itinuturo ng Bibliya.




Nilinaw naman ni Agbayani na sa LGBTS Christian Church Philippines ginawa ang kasal at hindi sa Roman Catholic Church.

Binigyang-diin pa nito na ang LGBTS Christian Church Philippines ay itinatag noong 2006 upang magkaroon ng ligtas at inclusive space para sa pananampalataya ng LGBTQIA+ community.

Nabatid na patuloy pa rin ang diskusyon sa bansa ukol sa karapatan at marriage equality ng LGBTQIA+ kung saan pinagtatalunan pa din kung dapat bang magkaroon ng kaparehong karapatan na magpakasal ang dalawang magkapareho ang kasarian o heterosexual couples.  

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog