BRIDE, BONGGA ANG NAGING GRAND ENTRANCE SA WEDDING CEREMONY

 

Photo Courtesy: Screengrab from Artline Studio/Lai Balderrama-Endozo

BOAT TO FOREVER

Natupad na ang pinapangarap na kasal ng bride matapos na maging grand entrance ang kaniyang pagsakay sa bangka patungo sa munting isla sa isang resort sa Panglao, Bohol.

Sa isang ulat, ipinahayag ng bride na si Lai Balderrama – Endozo ang kaniyang tuwa nang maisakatuparan ang kanilang dream wedding sa beach.

Gayundin, ang kakaibang grand entrance nito na sumakay sa bangka.

Maliban kay Lai, maging ang mga bisita nila ay sumakay din ng bangka upang masaksihan ang matapos na palitan ng wedding vows nila ng noo’y groom, ngayon ay asawang si Geff.

Tuwang-tuwa din si Lai dahil suot na nito ang sariling gawa na wedding gown pati na ang suit ng kaniyang asawa at ng buong entourage ay kaniya ding obra.

Noon pa man ay pangarap na ni Lai na ito mismo ang gagawa ng kaniyang trahe de boda kapag ito’y ikinasal.

Samantala, nauna nang ikinasal sa simbahan sina Geff at Lai bago pa magkaroon ng beach wedding.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog