SWIMMER, HALOS MAHIGIT 9 NA ORAS NA LUMANGOY MULA SORSOGON HANGGANG ALBAY

Photo Courtesy: Bert Justine Narciso

 

Kahanga-hanga ang naging tagumpay ng swimmer na si Bert Justine Narciso matapos nitong maabot ang Albay mula sa Sorsogon sa pamamagitan ng paglangoy.

Sa post ni Narciso, umabot sa 9 hours, 11 minutes at 42 seconds ang kaniyang paglangoy sa karagatan ng Sorsogon hanggang Albay na mayroong 27.63 km.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sumabak sa mahaba-habang paglangoy ang swimmer na si Narciso.

Noong Marso 2022 ay nilangoy nito ang 11.8 km distansya ng Sta. Cruz, Donsol, Sorsogon patungong Marigondon, Pio Duran, Albay. Inabot siya ng halos 3 oras at 38 minuto na paglangoy.


Photo Courtesy: Bert Justine Narciso


Sa kasagsagan ng kaniyang paglangoy ay naranasan niyang masugatan mula sa mga corals gayundin ang kili-kili nito ay nagkaroon ng mga gasgas dahil sa tagal na kaniyang paglangoy.

Ngunit, sa kabila nito ay labis ang kaniyang pasasalamat na mapagtagumpayan niya ang kaniyang “Best Swim History” sa taong 2022 na kaniyang tinawag na “A Dream with the Deadline”.

Ngayon taon, nalampasan ni Narciso ang sariling record na malangoy ang distansyang 27.63 km sa loob ng mahigit 9 hours.

“I couldn't have accomplished this feat with my own knowledge and strength; it was all because of the LORD, who sustains me in every aspect of my life. GLORY TO YOU, JESUS!🙏”, saad nito sa kaniyang post.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog