BINATILYO, PATAY MATAPOS SAKSAKIN NG BBQ STICK AT BREAD KNIFE


Agad na binawian ng buhay ang isang 17-anyos na lalaki matapos itong pagsasaksakin ng barbecue stick at bread knife ng mga grupo ng kalalakihan sa Quezon City.

Sa isang ulat, tumatambay sa labas ng bilyaran sa Brgy. Quirino 3A ang biktima nang bigla na lang itong palibutan ng grupo ng mga kalalakihan.

May tinanong sa kaniya ang mga suspek ngunit pinagsasapak na ito nang hindi pa nakakasagot.

Nagawa pang makatakas ng biktima subalit naabutan siya ng mga suspek at tsaka pinagsasaksak.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero agad din itong binawian ng buhay dahil sa mismong puso nito tumama ang bbq stick.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga pulis ang tatlo sa mga suspek habang pinaghahanap pa rin ang ibang kasama nito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog