ANGELINE QUINTO, IKINASAL NA SA NON-SHOWBIZ BOYFRIEND

 

Photo Courtesy: Erik Santos/Instagram

Opisyal nang nagpalitan ng “I Do’s” ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto at ang longtime non-showbiz partner nitong si Nonrev Daquina.

Parehong deboto ng Itim na Nazareno ang magkasintahan dahilan na ginanap ang kanilang kasal sa Quiapo Church sa Manila City nitong Huwebes.


Photo Courtesy: Erik Santos/Instagram


Ayon kay Dan Concepcion, kababata ni Angge, na hindi lang dream come true para sa aktres ang kaniyang kasal kundi para sa kaniyang adoptive mother na si Sylvia Quinto o “Mama Bob”, na pumanaw noong 2020.

Marami namang Kapamilya stars ang dumalo at sumuporta sa kasal ni Angge at Nonrev kabilang na sina Charo Santos-Concio, Boy Abunda, Martin Nievera, at Regine Velasquez-Alcasid bilang mga Ninongs at Ninangs.

Nandoon din ang mga head ng ABS-CBN pati na ang showbiz royalties na sina Vice Ganda, Sarah Geronimo at Erick Santos na kumanta din sa kasal habang pumipirma ng marriage contract ang mag-asawa.

Matatandaang, nanganak noong 2022 si Angeline sa panganay nitong si Sylvio.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog