KUDOS SA MGA NAKA-SAMSUNG!
Naungusan ng Samsung ang Apple bilang nangungunang
smartphone seller sa buong mundo, ayon sa International Data Corporation (IDC).
Sa paunang datos, sinabi ng IDC na nasapawan ng South
Korea-based Samsung ang Apple sa pandaigdigang smartphone shipments na tumataas
ng hanggang 8% sa unang quarter ng taon o nasa 289.4 million.
Nakapaglabas ng nasa 60.1 million smartphones ang Samsung
ngayong 1st quarter habang ang Apple ay nasa 50.1 million iPhones
ang nailabas sa merkado.
Bagamat nakuha ng Apple ang unang spot noong 2023,
napagtagumpayan naman ng Samsung na makuha ang titulong nangungunang smartphone
provider sa unang quarter.
Samantala, unti-unti namang sumusunod sa pagtaas ng
shipments ang China-based Xiaomi na nasa 33 porsyento hanggang 40.8 million at
ang Transsion ay 85% hanggang 28.5 million kung saan nakuha nito ang ikatlo at
ikaapat na posisyon sa overall smartphone market.
0 Comments