BAGONG LOVELIFE NA BA PARA KAY KIM CHUI?

 


Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkaka-link ng aktres at “It’s Showtime” host Kim Chui sa sporty lawyer ng Cebu na si Atty. Oliver Moeller.

Ito’y matapos sinorpresa ni Moeller ang madla nang ito’y biglang bumisita sa “It’s Showtime” nitong Martes.

Sa pagbisita ng sporty lawyer, dito na nagsimula ang tuksuhan na pinangunahan ni Vice Ganda at sinundan ng mga kasama nitong hosts.

Mas naging intense pa ang tuksuhan ng diretsahang tinanong ni Vice si Moeller kung nililigawan ba nito si Kim.

"Maybe. Secret.", nakakaintrigang sagot ng abogado.

Si Oliver Moeller ay agad naispatan ng mga netizens nang ito’y maging isa sa mga searchee ng hit segment na “EXpecially for You”.

Dahil dito, agad na umani ng mga tagahanga ang sporty lawyer ng Cebu at nagmistulang instant celebrity.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog