KATHRYN, NILIGAWAN NGA BA NI DONNY?


 

Tinangka umanong ligawan ng aktor na si Donny Pangilinan ang aktres na si Kathryn Bernardo matapos ang hiwalayan nito sa ex-boyfriend na si Daniel Padilla.
Ito ang isiniwalat ng showbiz insider na si Ogie Diaz kasama si Mama Loi sa kanilang latest episode na “Showbiz Update” vlog.
Nauna nang naging usap-usapan sa mundo ng showbiz ang umano’y pagpaparamdam ng aktor kay Kathryn ngunit hindi naman ito natuloy sa hindi malamang dahilan.
Pahayag ni Ogie na kaya ‘di natuloy ang panliligaw ni Donny sa aktres dahil sa wala naman aniya itong patutunguhan pati idiniin nitong siguradong aalma ang mga fans ng dating ka-love team ng aktres.
Sa kabila nito ay wala pang inilabas na kumpirmasyon si Donny kaugnay sa naturang isyu.
Sa ngayon, parehong abala sina Donny sa papalapit na pagtatapos ng drama series nitong “Can’t Buy Me Love” kasama ang love team na si Belle Mariano.
Habang, kamakailan ay opisyal nang isinapubliko ni Kathryn ang kaniyang dream home sa Antipolo, Rizal.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog