KRISTINE HERMOSA, HANDANG MAG-REUNITE KAY JERICHO ROSALES

 



Handang makatrabaho muli ng aktres na si Kristine Hermosa ang dating ka-love team at onscreen partner na si Jericho Rosales.

Ito’y matapos sinabi ni Echo sa isang panayam na gusto nitong makasama sa isang proyekto si Hermosa ngayong buwan.

Sa isang ulat, sinagot ni Hermosa na bagama’t bukas siyang makatrabaho muli si Echo ngunit nakadepende pa rin aniya sa proyektong iaalok sa kanila.

Nilinaw naman ng aktres na walang problema sa asawa nitong si Oyo sa muling pagkakasama nila ni Echo sa isang proyekto.

Nabatid na nagsama sa ilang mga proyekto sina Rosales at Hermosa na naging hit sa madla tulad ng teleseryeng “Pangako Sa’yo”, at ang pelikulang “Forevermore”.

Naiulat din silang magkarelasyon mula sa taong 2000 hanggang 2004.

Noong Oktubre 2011 ay ikinasal si Hermosa ang asawa nitong si Oyo Boy Sotto at nagkaroon ng apat na anak.

Samantala, si Rosales ay hiwalay na sa asawa nitong si Kim Jones noon pang 2019.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog