Susulong na sa 2024 Paris Olympics ang Filipina fencer na
si Sam Catantan matapos pangunahan ang women’s foil event ng Asia and Oceania
Zonal Olympic Qualifier nitong Sabado sa United Arab Emirates.
Napatumba ni Catantan ang pambato ng Kazakhstan na si
Sofiya Aktayeva sa score na 15-14 sa kabila ng dinaramdam na cramps.
Taong 2023, lumaban si Catantan sa US NCAA at nakuha nito
ang silver medal sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia matapos
magkaroon ng injury.
Samantala, makakasamang ibabandera ng Filipina fencer ang
watawat ng Pilipinas sa paparating 2024 Paris Olympics sina EJ Obiena, gymnasts
Carlos Yulo, Aleah Finnegan, at Levi Ruivivar, boxers Eumir Marcial, Nesthy
Petecio, at Aira Villegas, rower Joanie Delgaco, at weightlifters Elreen Ando,
John Ceniza, at Vanessa Sarno.
0 Comments