ANAK, BINARIL-PATAY ANG AMA


Patay ang 44-anyos na pulis matapos itong mabaril ng kaniyang 7-anyos na anak sa kanilang bahay sa Barangay Andres Bonifacio, Sagay City, Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si Police Staff Sergeant Lernie Alacha na nakadestino sa Sagay City Police Station.

Ayon kay Police Captain Judesses Catalogo, public information officer ng Negros Occidental Police Provincial Office (Nocppo), narinig ng bata ang pag-aaway ng mga magulang sa kwarto matapos kumain ng pananghalian.

Sinasabing nagsimula ang away ng dalawa nang nadiskubre ng biktima ang ilang mga mensahe ng mga followers sa kaniyang live-in partner sa TikTok app.

Dito na nag-umpisang maging pisikalan ang pag-aaway ng mag-live-in partner na umabot pa sa pag-aagawan ng armas sa loob ng kwarto.

Bunsod ng lumalalang argumento ng mag-live-in partner, dito na naisipang kunin ng 7-taong gulang na bata ang service firearm ng ama na nakasilid sa isang plastic box tsaka pinaputukan ang ama nito.

Nagtamo ng sugat sa bandang leeg ang pulis dahilan ng pagkamatay nito.

Samantala, isinailalim na ang bata sa kustodiya ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) para sa isasagawang imbestigasyon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog