MARITES, NAIPIT ANG ULO SA GATE NG KAPITBAHAY

 


HANGGANG SAAN AABOT ANG PAGIGING MARITES MO?

Isang babae sa La Virginia, Colombia ang naging usap-usapan matapos na maipit ang ulo nito sa rehas na gate ng kanilang kapitbahay upang silipin sana ang ginagawa nito.

Sa isang ulat, nagtulong-tulong na ang mga pulis at bumbero sa lugar upang maalis ang ulo ng babae dahil sa hindi na ito matanggal.

Dagdag pa dito, tumagal pa hanggang limang oras bago tuluyang matanggal ang ulo ng naturang babae mula sa pagkakaipit.

Marami namang netizens ang nagbahagi ng kanilang mga reaksyon sa babae kung saan may ilang nagkomento na “Dasurv”.

Saad pa ng iba na nararapat lang umano ito sa nasabing babae na tsismosa – taong mahilig maki-usyoso o mas popular sa tawag na “marites”.

Samantala, mayroon ng batas na nagpaparusa sa mga taong marites lalo na kung sila’y nakakasira na ng reputasyon o puri.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog