PINOY STUDENT, MAGPAPAKITANG-GILAS SA PRESTIHIYOSONG ISEF SA CALIFORNIA

 


Nakatakdang ibabandera ng grupo ng mga student-researchers mula Angeles City Science High School ang Pilipinas sa prestihiyosong Regeneron International Science and Engineering Fair 2024 (ISEF) sa Los Angeles, California sa darating na Mayo 11-17.

Ito’y matapos binigyang-pagkilala ang kanilang proyekto na "In Vitro Study of Bioceramics from Bamboo Leaf Ash and Green Mussel Shells with Silver (Ag) Coating and 3D-Printing Applications for Bone Regeneration".

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), kinahangaan ang naturang proyekto nang madiskubre ang posibleng epekto nito sa bone regeneration.

Kaugnay nito, naging malaking tulong din ang ibinigay na suporta ng DOST Central Luzon Grants-In-Aid sa proyekto ng mga estudyante para maging kwalipikado sa ISEF 2024.

Samantala, hinikayat naman ng DOST ang mga estudyante at mga educators na i-explore ang mga oportunidad na inaalok ng DOST kabilang na ang pagbibigay ng scholarships at specialized training.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog