2 PULIS, HULI SA AKTO NA NAGTATALIK SA PARKING LOT; MGA ASAWANG PULIS, NAGSAMPA NG KASO


Nakatakdang haharap sa kasong adultery at concubinage ang dalawang pulis na nahuling nagtatalik sa parking lot ng isang mall sa Laguna.

Sa isang ulat, mismong mga asawa nilang mga pulis din ang nakahuli sa dalawa.

Matagal na umanong nagdududa ang kanilang mga asawa ukol sa kanilang lihim na relasyon kung kaya’t nang malaman ang pagtatagpo ng mga ito sa Laguna ay agad silang sinundan.

Dito na personal nilang nasaksihan ang pagniniig ng kanilang mga asawa sa kotse ng lalaking opisyal.

Nagtangka pang tumakas ang magkalaguyo ngunit mabilis na nabaril ng asawa ang gulong ng sasakyan.

Bagama’t flat ang gulong ay nagawa pa ring makatakas ng babae habang ang lalaki ay nabaril ng asawa nang tumalon ito ng sasakyan at tinangkang tumakbo palayo.

Tinamaan ang suspek dahilan na hindi na ito nakatakas pa.

Samantala, patuloy pa ding pinaghahanap ng mga awtoridad ang kalaguyo nito na sinasabing patungo sa direksyon ng Batangas.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog