HOUTHI FORCES, PINABAGSAK ANG US DRONES SA YEMEN


Pinabagsak ng Houthi forces sa Yemen ang MQ-9 Reaper drones ng US military matapos ang pagsasagawa ng hostile missions sa Saada province sa Yemen.
Nabatid na ito na ang ikatlong US attack drone na napabagsak ng Houthi magmula ng magsimula ang giyera sa Gaza. Una ay noong Nobyembre ng nakaraang taon, at sinundan naman nitong Pebrero 2024.
Kaugnay dito, sinabi naman ng military spokesman ng grupo na si Yahya Saree, na target at natamaan nila ang “British oil ship Andromeda Star” sa Red Sea nitong Sabado.
Samantala, kinumpirma naman ng US military na umatake ng tatlong antiship ballistic missiles ang Houthi sa Red Sea at na-damage ang MV Andromeda Star.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog