PAGBABAWAL NG CELLPHONE SA PAARALAN, ISINUSULONG

 


Planong maghain ng panukala ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian na tuluyang ipagbawal ang paggamit ng mobile phones sa lahat ng eskwelahan sa bansa.

Sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga mag-aaral na makapag-focus sa kanilang pag-aaral at maibalik ang nakaugaliang regular na pagbabasa ng mga libro.

Ayon kay Gatchalian, bilang chairman ng Senate Committee on Basic Education, nakatakda itong maghain ng panukalang imandato sa lahat ng institusyon ang pagdiriwang ng “National Reading Month” tuwing Nobyembre.

“Isa rin sa mga observation, hindi lang dito sa atin ha, pati sa ibang bansa. Marami sa ating mga bata, talagang nalululong na sa paggamit ng cellphone. Even dun sa loob ng classroom,” pahayag ni Gatchalian.

“Dapat nagbabasa sila pero nanonood ng YouTube, nanonood ng TikTok. Pinag-aaralan ko ngayon yung i-ban na yung sa mga bata lang, yung paggamit ng cellphone sa loob ng classroom at sa loob ng school hours,” dagdag pa nito.

Nilinaw naman ni Gatchalian na tanging ang mga estudyante sa basic education lamang ang sakop sa planong panukala at tuwing wala ng klase lamang papayagan ang paggamit ng cellphones.

Samantala, sa ilalim ng National Reading Month, nire-require ang mga bata na bumili ng libro na kanilang babasahin pagkatapos lalo na’t layunin nito na muling maibalik ang kinaugalian na pagbabasa.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog