Photo Courtesy: Damag Ilocano |
Mismong ang padre de pamilya na lang ang gumawa ng ataul na paglalagyan ng kaniyang dalawang anak na hindi nakaligtas matapos na malunod sa irigasyon sa Brgy. Naguiddayan, Bantay, Ilocos Norte.
Ito’y dahil sa kawalan ng pambili ng ataul at ang tanging
ikinabubuhay nito ay ang pagsasaka.
Sa isang ulat, sinabi ni Frederico Pido, ama ng dalawang
bata, na hindi nila pinapayagang maligo sa irigasyon ang kanilang mga anak
ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi nila namalayan ang pag-alis ng kanilang
mga anak at pagpunta ng mga ito sa irigasyon.
Bago mangyari ang insidente, may nakakita pa sa dalawang
bata malapit sa irigasyon at sinabihan pang umuwi na ang mga ito.
Ngunit, may posibilidad na patagong bumalik ang mga ito
sa patubigan.
Napag-alamang lampas-tao ang naturang irigasyon kung kaya’t
mariing pinagbabawalan ni Pido ang mga anak na lumapit dito.
Unang narekober ang katawan ng pitong-taong-gulang sa
bahagi ng kanal sa kalapit na Brgy. Bulag East habang nakita ang katawan ng
limang-taong-gulang sa Brgy. Malingeb.
0 Comments