OBSESSED FAN, KULUNGAN ANG INABOT SA PAGIGING STALKER KAY HARRY STYLES

 


Ikaw ka-K5, matutuwa ka ba o maiirita sa pagpapadala sayo ng libo-libong sulat mula sa isang obsessed fan?

Isang babaeng 35-anyos kasi ang kinulong ng mga awtoridad matapos na padalhan ng libo-libong handwritten letters ang Hollywood singer na si Harry Styles.

Ayon sa ulat ng NBC News, sinentensiyahan si Myra Carvalho sa Harrow Crown Court nitong Martes dahil sa pagpapadala ng nasa 8,000 na mga cards sa singer ng wala pang isang buwan.

Sinabi ng mga owtoridad na ilan sa mga pinapadala ay ang mga wedding cards kung saan dalawa dito ay personal na ipinadala sa address ni Styles.

Sa pahayag ng Crown Prosecution Services, napatunayang guilty ang naturang babae matapos aminin ang ginagawang pang-stalk kay Styles na nagresulta sa serious alarm o distress.

Dahil dito, binigyan ito ng 14 na linggong pagkakakulong gayundin ng 10-taong restraining order na nagbabawal sa kaniyang lumapit at makipag-ugnayan kay Harry Styles tulad ng pagdalo sa mga event na naroroon ang singer.

Inabisuhan din ang 35-anyos na babae na lumayo ito sa northwest London kung saan kasalukuyang naninirahan si Styles.

Maliban dito ay kinakailangan ding magbayad nito ng victim surcharge na £134 (almost P10,000).

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog