Kulungan ang bagsak ng isang babaeng caregiver matapos nitong pagnakawan ang namatay na amo.
Tinatayang na aabot sa P5-milyong halaga ng mga alahas
ang nakuha ng suspek mula sa yumao nitong amo.
Ayon kay NBI-NCR Asst. Regional Director Atty. Joel
Tovera, mayroon umanong grupo ang suspek na mga yaya at caregiver na pumapasok
sa employers ngunit ang motibo ay pagnakawan ang mga ito sa bandang huli.
Nabawi naman sa suspek ang ilang gold bracelets, mga
relo, diamond rings at necklaces.
Dahil dito, nakatakdang haharap ang babaeng caregiver sa
kasong theft and qualified theft.
0 Comments