MALUNGKOT KA? MAG-FILE KA NA NG “SAD LEAVE”

 


Isang supermarket sa China ang nagbibigay ng 10-araw na “sad leave” para sa mga empleyado nitong nakakaramdam ng lungkot at wala sa wisyo para magtrabaho.

Ito ay batay sa anunsyo ng Fat Dong Lai, isang supermarket chain, noong Marso 26. Maliban pa sa sampung araw na leave ay hindi ito maaaring tanggihan ng mga manager.

Ipinahayag ni Yu Dong Lai, company chairman, na kailangang bigyan ng pahinga ang kaniyang mga tauhan upang manumbalik ang kanilang sigla sa pagtatrabaho.

Binigyang-diin pa ni Lai na dapat magkaroon ng work-life balance ang bawat empleyado nito.

Sa kabuuan, ang mga empleyado ng nasabing supermarket chain ay mayroon nang 40-days annual leave at 5-days off sa Chinese New Year.

Ang Fat Dong Lai ay kilala sa pagbibigay sa mga customer nito ng one-of-a-kind experience kung saan masusubukan nila ang mga inaalok na serbisyo ng libre tulad ng pagsuri ng blood pressure, handbag care, pet feeding stations, manicures at shoe shines.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog