MISSILES AT DRONE ATTACKS NG IRAN, PINAKAWALAN SA ISRAEL

 


Mahigit 200 drone at missile attacks ang pinakawalan ng Iran ngayong Abril 14 sa bansang Israel.

Bago ang insidente, naglabas na ng babala ang Iran tungkol sa paghihiganti nito sa ginawang pag-atake ng Israel sa konsulado nito sa Damascus, Syria na ikinamatay ng 7 katao kasama na ang isang heneral.

Ikinababahala naman ang posibleng mainit na labanan sa pagitan ng mga bansang naglalaban-laban sa rehiyon.

Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang U.S. President Joe Biden sa Israel kung sakaling lumala ang hidwaan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog