MODEL, ARESTADO SA TANGKANG PANGGAGAHASA SA “IT’S SHOWTIME” HOST

 


Kulong ang 25-anyos na modelo matapos ang pagtangkang panggagahasa sa “It’s Showtime” host na si Cianne Dominguez sa mismong tirahan nito sa Quezon City.

Mahaharap sa kasong sexual assault ang suspek na si Shervey Torno, residente ng Navotas City, na kasalukuyang nakakulong sa Kamuning police station.

Matatandaang nitong Huwebes, bandang 7:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa condo ng host.

Ayon sa pulisya, nakilala ng biktimang si Dominguez ang suspek sa elevator ng condominium na kaniyang tinutuluyan.

Nakapasok na sa kaniyang unit ang nasabing host nang biglang may kumatok at dito niya nakita si Torno na agad hinila ang bewang nito at tinangka itong halikan.

Ngunit, agad na nanlaban ang biktima dahilan na mabilis na tumakas ang suspek.

Sa pagtakas ng suspek ay hinabol pa ito ni Dominguez habang kinukunan ng video.

Mabilis namang nahuli ng security officer ng condo si Torno at itinurn-over sa mga pulisya.

Samantala, sinabi naman ni Brig. Gen. Redrico Maranan, Quezon City Police District director, na nakatakdang sasampahan pa nito ng ilang kasong kriminal si Torno dahil sa ginawa nito.    

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog