1 PATAY, 2 SUGATAN NANG BARILIN NG ISANG SUNDALO

 


Pinaghahanap na ng mga kapulisan ang kinaroroonan ng isang sundalo na bumaril sa tatlong magkakapamilya sa Kapalong, Davao del Norte nitong Huwebes.

Kinikilalang si Christopher Sariano ng 60th Infantry Battalion ang suspek na residente ng Doña Andrea, Asuncion, Davao del Norte.

Sa isang ulat, natutulog ang mga biktima nang biglang magising sa sunod-sunod na katok kung saan dito na bumungad si Saranio na humingi pa ng tubig bago pagbabarilin ang mga ito.

Hindi naman nakaligtas sa pamamaril ang biktimang si Diether Superable, 19-anyos habang agad namang isinugod sa ospital ang dalawa pang biktima na sina Eugene Superable at Felix Lantapon.

Samantala, hindi pa matukoy at patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang motibo sa insidente ng pamamaril.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog