MISS PHILIPPINES’ CHANTAL SCHMIDT, 1ST RUNNER-UP SA MISS ECO INTERNATIONAL 2024

 

Photo Courtesy: The Miss PH

Muntik nang mauwi ni Miss Philippines Chantal Schmidt ang korona sa kakatapos lang na Miss Eco International 2024.

Nagtapos ang journey ni Schmidt sa pagiging 1st runner-up habang nakuha naman ni Miss Ukraine ang titulo ngayong taon.

Ginanap ang ikatlong Miss Eco International sa Egypt nitong Linggo (madaling araw ng Lunes sa Pilipinas).

Bagama’t hindi nasungkit ang korona, nanalo naman ang beauty queen sa Best National Costume kasama ang mga delegado mula sa Nigeria, Ecuador, Ukraine, Canada.


Photo Courtesy: The Miss PH


Samantala, kasama namang nagwagi sa naturang beauty pageant ang Miss Canada bilang 2nd runner-up, Miss Brazil – 3rd runner-up, at Miss Indonesia – 4th runner-up.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog