“CLOSE FRIEND”, SUSPEK SA PAGPATAY SA DALAGITANG NAG-AARAL


Isang malapit na kakilala ang sinasabing suspek sa pagbaril-patay sa isang Grade 7 student sa Talisay City, Cebu nitong Biyernes.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente habang sumasagot ng modules ang biktima sa silid ng inuupahang bahay sa Brgy. Cansojong, Talisay City nang bigla na lang itong barilin sa batok.

Pahayag ng kapatid ng biktima na isang grupo ng mga kalalakihan ang bigla na lamang pumasok sa kanilang bahay at binaril ang biktima.

Napag-alamang sangkot naman sa droga ang hindi pa nakikilalang suspek.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa mga otoridad ng kalapit na probinsya sakaling umalis ng Cebu ang suspek.

 


 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog