MAGKASINTAHAN NA MANONOOD LANG NG CONCERT SA DAVAO CITY, NATAGPUANG PATAY


Karumal-dumal ang sinapit ng mag-live-in partner matapos na matagpuang patay sa isang condominium building sa Davao City.

Sa isang ulat, natagpuan sa magkaibang lugar ng condo ang mga bangkay ng biktima nitong Linggo dahil ang katawan ng lalaki ay nakita na sa ibabang palapag ng gusali.

Sinasabing pinagsasaksak ng hindi pa nakikilalang suspek ang mga biktima at tsaka inihulog pa mula sa ika-anim na palapag ng gusali ang lalaking biktima.

Ayon sa pulisya, hindi sabay na dumating sa nasabing lugar ang magkasintahan dahil mula sa Parañaque City ang lalaki habang ang babae ay galing sa Bacoor, Cavite.

Tinanggal naman ng otoridad ang anggulong pagnanakaw bilang motibo sa krimen dahil nandoon pa rin ang mga gamit, pera at mga IDs ng mga biktima.

Naniniwala naman ang Davao City Police Office na nagsama sa isang kwarto ang magkasintahan bago mangyari ang insidente dahil sa natagpuang kutsilyo na may dugo.

Dahil dito, crime of passion ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng pulisya.   

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog