3 PINOY NA EMPLEYADO NG ISANG CRUISE SHIP, ARESTADO SA FLORIDA

 


Nahuli sa Florida ang tatlong Pinoy na empleyado ng isang cruise ship sa kasong child pornography, ayon sa Broward County Sheriff’s Office.

Inaresto ang tatlong Pinoy matapos makumpleto ang isinagawang masusing imbestigasyon ng US Department of Homeland Security Investigations Task Force at ng United States Custom and Boarder Protection.

Kinilala ang tatlo na sina Tirso Neri, 44-anyos; Alvin Gonzales, 49-anyos; at Amiel Trazo, 28-anyos na kasalukuyang kinakaharap ang mga kaso sa southern district court ng Florida.

Sa isang ulat, naaresto ang tatlo nang madiskubre ang mga X-rated na larawan at videos ng mga batang menor de edad sa kanilang mobile phones.

Nahaharap ngayon sa kasong possession at transportation of child pornography ang tatlong Pinoy.

Samantala, tinanggihan namang makapagpiyansa sina Neri at Gazo habang si Gonzales ay pinagkalooban ng piyansang $20,000 habang nakabinbin pa ang paglilitis nito.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog