Pumanaw na nitong Abril 11 ang Korean singer na Park
Bo-ram sa edad na 30.
Ayon sa Namyangju Police Station, dumalo pa sa isang
pribadong pagsasalo ang singer ilang oras bago ang nangyari.
Sinasabing umiinom ang Kpop singer kasama ang dalawang
kaibigan hanggang sa bandang 9:55 ng gabi, pumunta ito ng banyo at hindi na
nakabalik pa.
Dito na natagpuan ng mga kaibigan nito ang walang malay na
singer na nakayuko sa lababo.
Isinugod pa sa ospital si Boram at isinagawa pa sa kaniya
ang CPR ngunit idineklara din itong dead on arrival.
Ang biglaang pagpanaw ng Kpop singer ay gumulat sa buong
entertainment industry.
Kaugnay nito, naglabas ng pahayag ang XANADU
Entertainment, agency ng singer, ng kanilang pagdadalamhati sa pagkawala nito.
Si Park Bo-ram ay nagsimulang makilala nang sumali ito sa
isang reality singing competition na “uperstar K2” noong 2010 sa edad na
17-anyos.
Dahil sa taglay na talento, nakatanggap ito ng ilang mga
awards kabilang na ang “Artist of the Year Award” sa 2014 Gaon Chart Music
Awards.
0 Comments