DARREN AT KYLINE, NAGING MAG-JOWA PALA?

 



Nagulat ang mga netizens sa rebelasyong sinabi ni Darren Espanto sa kaniyang pag-guest sa ‘Fast Talk With Boy Abunda niton Lunes.

Inamin kasi ng singer-host na naging magkarelasyon sila noon ng aktres na si kyline Alcantara.

“It’s parang puppy love kind of thing before, when we were younger… in the past,” ani Darren.

Dagdag pa nito na may alam aniya si Vice Ganda sa naging relasyon nito kay Kyline dahilan na naging tampulan siya ng asaran nang maging guest sa “It’s Showtime” ang aktres.

Pahayag pa ni Darren na umabot ng isang taon ang relasyon nila ni Kyline at walang namang third party na nauugnay sa kanilang paghihiwalay.

“There are some misunderstandings. And then when we both matured, parang six years later, parang napag-usapan namin. Eventually, we became okay with each other again. Naging friends na uli,” pagsiwalat ni Darren.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog