REST IN PEACE
Namatay na sa edad na 62 ang conjoined twins na sina Lori
at George Schappell nitong Abril 7 sa ospital ng University of Penssylvania.
Ang naturang kambal ay naitala sa Guinness World Record
bilang pinakamatandang conjoined twins na tumagal na namuhay sa mundong ibabaw.
Hindi naman idinetalye ang dahilan ng pagkamatay nina
Lori at George.
Matatandaang tinaningan sila ng mga doktor ng hanggang
30-anyos ngunit napatunayan ng kambal na aabot sila hanggang sa mahigit anim na
dekada.
0 Comments