LIZA SOBERANO, KASAMA SA MGA JURY MEMBER NG INT’L FILM FESTIVAL

 

Photo Courtesy: Liza Soberano/Instagram

Nagpahayag ng pasasalamat at kasiyahan ang aktres na si Liza Soberano matapos na maging isa sa mga jury members sa ginanap na Ho Chi Minh International Film Festival sa Vietnam.

“So thrilled and honored to have served as a jury member for the first ever Ho Chi Minh International Film Festival,” ani Liza sa Instagram post.

Sobrang tuwa ng aktres na personal nitong nasaksihan ang mga mahuhusay na filmmakers sa buong mundo.

Kung kaya’t pursigido itong ipagpatuloy ang nasimulan sa kaniyang piniling karera na umeenganyo ng malayang napapahayag ang sariling opinyon at buong tapang na hinaharap ang mga hamon.

Magugunita na napabilang sa mga cast si Liza sa matagumpay na pelikulang “Lisa Frankenstein” kasama si Kathryn Newton na bida sa naturang palabas.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog