3 PATAY, 4 SUGATAN SA PAGKAHULOG NG TRUCK SA BANGIN


 

Hindi nakaligtas ang tatlong kataong sakay ng isang truck na nahulog sa bangin sa Claveria, Misamis Oriental.

Ayon sa pulisya, nawalan ng kontrol ang drayber ng sasakyan nang ito’y nasa pakurbadang bahagi ng kalsada at dahil sa mabilis na pagpapatakbo ay dumausdos ito sa mahigit 15-talampakang bangin.

Idineklarang dead-on-the-spot ang isa sa mga biktimang namatay na kinilala kay Kenmark Sagulay, residente ng Butuan City, matapos itong madaganan ng sasakyan.

Habang, ang dalawa pa nitong mga kasama na sina Niño undag at Jayward Gabiro ay naitakbo pa ospital ngunit agad namang binawian ng buhay habang ginagamot.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog