Balik normal na ang byahe at trabaho sa Timog na bahagi ng Taiwan matapos ang pagyanig ng magnitude 7.2 na lindol kahapon sa hilagang parte nito.
Ito ang sinabi ni Mr. Marjun Regalado, OFW sa nasabing bansa, sa panayam ng K5 News Team, kaugnay sa kanilang kasalukuyang sitwasyon matapos ang lindol.
Sa kabila naman aniya ng kaniyang takot at pangamba na naramdaman ay tila normal lang sa ibang mga Taiwanese ang kaparehong sitwasyon kung saan mapapansin din aniya ang kahandaan ng mga ito sa pagsapit ng lindol sa tulong na rin ng makabagong teknolohiya.
Samantala, ipinasiguro naman nito na maayos na ang kanilang kalagayan at mapalad naman na walang mga kababayang naiulat na nadamay at wala ring gaanong kasiraan ang naitala partikular na sa kanilang lugar.
0 Comments