4 PATAY, 60 SUGATAN SA NANGYARING PAGYANIG SA TAIWAN

📷 Taiwan National Fire Agency/CNA/AFP/Getty Images

 

Tinatayang na 4 na katao ang patay at 60 namang mga indibidwal ang sugatan sa nangyaring lindol sa bansang Taiwan ngayong araw ng Miyerkules.

Ayon sa mga ulat, isang truck driver ang namatay matapos itong tamaam ng landslide habang patungo sa isang tunnel sa lugar.

Kaugnay nito, tatlong katao naman mula sa grupo ng pitong katao ang hindi nakaligtas nang ito’y durugin ng mga bato dulot ng lindol. Napag-alamang ang mga biktima ay mula sa isang hiking nang mangyari ang lindol.

Pahayag pa ng mga opisyal sa Taiwan na ang nasabing lindol at ang sunod-sunod na mga aftershock ang itinuturing na pinakamalakas na yumanig sa bansa sa loob ng 25 taon.

Sa kabila nito, ang 7.5-magnitude na lindol na nangyari sa Taiwan ay nagdulot ng mga pagguho at pagkawasak ng mga gusali nito.

Samantala, nauna nang nagtaas ng tsunami warnings ang bansang Taiwan dahil sa naitalang 7.5-magnitude na lindol na umabot pa sa Japan at Pilipinas.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog