Kumitil ng siyam na katao at mahigit 1,000 ang sugatan sa pagtama ng malakas na lindol sa Taiwan nitong Miyerkules, Abril 3.
Nagdulot din ang 7.5-magnitude na lindol sa naturang bansa ng pagguho at pagkawasak ng ilang mga gusali pati na ang pagtataas ng mga tsunami warnings na umabot pa sa Japan at Pilipinas na kalauna’y tinanggal na din.
Ayon kay Hualien city mayor Hsu Chen-Wei, agad nang nailikas sa ligtas na lugar ang mga residente pati na ang mga negosyong nasa loob ng gusaling nasa delikadong estado. Sisimulan na din ang demolisyon sa apat na mga gusali.
Dagdag pa ng alkalde na nasa mahigit 50 aftershocks ang naitala mula sa nangyaring lindol.
Samantala, itinuturing namang ito ang pinakamalakas na lindol na nangyari sa bansa sa loob ng 25 taon.
0 Comments