HALOS P3-MILYON, NATANGAY NG PEKENG ELON MUSK


Nawalan ng P70-milyon won o halos P3-milyon ang babaeng South Korean matapos nitong i-invest sa nagpakilalang Elon Musk na kaniyang nakilala sa Instagram.

Ayon sa KBS’ show na In-Depth 60 Minutes, unang nakatanggap ng mensahe ang biktimang si Jeong Ji-sun sa diumano’y CEO ng Tesla at X (dating Twitter) sa Instagram.

Bagama’t nakaramdam ng pagdududa si Jeong ay patuloy pa rin ang kanilang pag-uusap ng pekeng Elon Musk kung saan nagpapadala pa ito ng mga litrato ng ID card at mga tipikal nitong ginagawa sa Tesla o SpaceX.

Matapos ang kanilang pag-uusap ay hindi nito akalaing nakumbinsi siyang mag-invest ng 70 million won (P2.9-million) at pinadalhan pa siya ng Korean bank number, sabay sabing “I'm happy when my fans are getting rich because of me”.

Dito na natuklasan na nabiktima si Jeong ng isang “typical romance scam gamit ang AI”.

Ipinaliwanag pa ng producer ng show na ang taong nagpapanggap na multibillionaire ay gumamit ng “pig butchering” na pamamaraan – isang uri ng confidence trick at investment fraud sa pamamagitan ng paghikayat sa mga biktima na gumawa ng makabuluhang kontribusyon bago sila iwan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog