Photo Courtesy: SCMP composite/Shutterstock/Weibo |
Sinubukan umanong lasunin ng isang babae sa China ang
kaniyang katrabaho na buntis upang hindi ito makapag-maternity leave.
Sa isang ulat, namataan sa isang video ang isang empleyado
ng gobyerno sa China na tumungo sa mesa ng katrabaho at sinubukang lagyan ng
isang parang pulbos ang inumin nito.
Nang mapansin ng biktima ang kakaibang lasa ng inumin
nito ay una nitong pinaghinalaan ang kanilang water supply ngunit nananatili pa
rin ang kakaibang lasa nito.
Kaugnay nito, isang joke mula sa kaibigan ang naalala ng
biktima na posibleng mayroong nakialam sa inumin nito kung kaya’t agad itong
nag-video sa kaniyang mesa at dito na nahuli ang kaniyang katrabaho na salarin
sa naturang pangyayari.
Depensa ng katrabaho nito na hindi niya kayang mag-isa
ang trabahong itatambak sa kaniya kung sakaling mag-maternity leave ang kasama
nito dahilan na nagawa ang tangkang paglason.
Kaagad namang ini-report ng biktimang buntis ang kasamahan
sa pulisya.
Ayon sa isang abogado, posibleng mahaharap sa isang crime
of injury ang suspek kapag napatunayan ang intensyon nito na manakit kahit na
ang bagay na iyon ay isang toxic o hindi.
Mabilis namang nag-viral sa social media sa China ang
nasabing insidente at kinondena ang ginawa ng suspek.
“We’re all here just trying to earn our bread, why be so
malicious? She is too dark,” komento ng isang user.
“How did such a person even get through the exams to work
at a government-linked institution?" sabi pa ng isa. "It seems exams
can only weed out academically poor candidates, not the morally corrupt."
0 Comments