3 PINOY, PATAY SA MALAWAKANG PAGBAHA SA UAE – DMW


Patay ang tatlong mga Pinoy sa nangyaring pagbaha sa United Arab Emirates, ayon sa Department of Migrant Workers.

Sinasabing suffocation ang ikinamatay ng dalawang Pinoy sa UAE matapos itong ma-trap sa loob ng sasakyan dahil sa baha.

Habang, vehicular accident naman ang ikinamatay ng isa pang OFW.

Inihahanda naman ng mga tanggapan ng Pilipinas sa Abu Dhabi at Dubai ang mga relief goods na ipamamahagi sa mga apektadong Pinoy na OFW.

Sa tala ng DMW, aabot sa 648,929 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na nasa Dubai.

Matatandaang nalubog sa baha ang Dubai, UAE nitong Martes sanhi ng matinding buhos at walang-tigil na pag-ulan sa lugar.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog