FRANSETH, BIBIDA SA ISANG BAGONG PELIKULA NA “MY FUTURE YOU”


 

Mula sa pagiging on-screen loveteam nina Francine Diaz at Seth Fedelin, dadalhin na ng dalawa ang kanilang tambalan sa big screen.

Nitong Abril 18, inanunsyo ng Star Magic ang paparating na pelikula ng dalawa matapos na i-upload ang mga larawang tampok sina Francine at Seth gayundin ang iba pang cast at crew members para sa isang script reading session ng pelikulang “My Future You”.

Pagbibidahan ng FranSeth ang “My Future You” ng Regal Films sa direksyon ni Crisanto B. Aquino.

Matatandaang unang napanood ang tambalang FranSeth sa matagumpay na TV series na “Dirty Linen”.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog