2 MALAYSIAN HELICOPTERS, NAGBANGGAAN; 10 PATAY


 

Patay ang sampung crew members na sakay ng dalawang helicopter matapos itong magbanggaan sa kasagsagan ng rehearsal para sa military parade.

Kinumpirma ito ng Royal Malaysian Navy (RMN) kung saan nangyari ang insidente sa Lumut naval base sa Perak state, Western Malaysia.

Ayon kay Malaysian Defense Minister Mohamed Khaled, ang mga sangkot na helicopter ay ang maritime operations helicopter at ang Fennec military chopper na naghahanda para sa isasagawang parade para sa 90th anniversary ng Royal Malaysian Navy.

Dagdag pa dito, ang maritime operations helicopter ay may sakay na pitong indibidwal na bumagsak sa kalapit na running track. Habang, ang Fennec military chopper na may sakay na tatlong crew members ay bumagsak sa swimming pool.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim sa mga naiwang pamilya ng namatay.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog